Para sa lahat ang pagbibiyahe

Kaya ginagawa naming mas accessible ang Skyscanner

Nagbibigay sa iyo ang pagbibiyahe ng pagkakataong makalabas, tuklasin ang mundo at lumikha ng mga di-malilimutang alaala. Ito ang dahilan kung bakit layunin naming gawing mas madali para sa lahat ang pagpaplano ng mga biyahe, anuman ang iyong mga pangangailangan para sa accessibility.

Narito pa ang tungkol sa mga ginagawa namin

Mas magagandang karanasan online

Nagsisikap ang aming mga designer at engineer na gawing mas inclusive ang aming mga app at website sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa lahat ng tao.

Mga nakatalagang tao

Hindi lang isang tao ang nagtatrabaho para sa pagiging accessible ng mga produkto. Kaya bumubuo kami ng isang nakatuon na team ng mga Accessibility Champion para tulungang maisakatuparan ang mahalagang gawaing ito sa buong negosyo.

Pananaliksik tungkol sa user

Walang ibang mas magandang paraan para maunawaan ang mga pangangailangan ng mga biyaherong may kapansanan kundi ang makipag-ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng nakatuong pananaliksik at pag-test sa user.

Patuloy na pag-aaral

Sa pamamagitan ng mga regular na workshop at pagsasanay, hindi lang namin inaaral kung paano gumawa ng mga produkto na accessible – nagtataguyod din kami ng pakikiramay sa mga may kapansanang biyahero.
Larawan ng isang grupo ng mga taong may iba’t ibang lahi, kasarian, at kakayahan, na bumubuo sa logo ng Skyscanner.
Ipinagmamalaki naming bahagi kami ng The Valuable 500
The Valuable 500

Rating para sa pagiging accessible

Nagsisikap kami para masunod ang mga pamantayan para sa digital accessibility na nakasaad sa Mga Tagubilin para sa Web Content Accessibility 2.2 (Level AA).

Makipag-ugnayan sa amin

Kung nakararanas ka ng anumang problema sa pag-access sa aming website o app. makipag-ugnayan sa amin.

Mga Site na Internasyonal